Mga insidente ng pagkawala ng mga sabungero, iimbestigahan na ng Senado
Iimbestigahan na rin ng Senado ang mga kaso ng pagkawala ng mga sabungero.
Sa datos ng Philippine National Police, umabot na sa dalawamput anim na biktima na ang iniulat na nawawala matapos magtungo sa mga sabungan.
Sinabi ni Senador Ronald bato Dela rosa na Chairman ng Senate Committee on Public order na magtatakda ng pagdinig ang kaniyang komite kahit naka -adjourn ang Senado.
Ito’y para malaman ng Senado kung ano ang dahilan ng pagkawala ng mga sabungero.
Sinusuportahan ni dating PNP chief at Senador Ping Lacson ang planong imbestigasyon.
Kailangan aniyang alamin kung ito’y kidnapping o nagkaonsehan kaya nawala ang mga sabungero
Ayon naman kay Senate president Vicente Sotto III, may ilang pamilya na ang lumapit sa kanila ni Lacson at humingi ng tulong sa para matukoy ang kinaroonan ng mga kaanak at makamit ang hustisya.
May mga impormasyon aniya na gustong isiwalat ang mga kamag-anak ng mga biktima tungkol sa mga nangyayari sa e-sabong na umanoy dahilan sa pagkawala ng ilang mga sabungero.
Handa rin ang komite ni Senador Lito Lapid na Chairman ng Games and Amusement na busisiin ang isyu.
Hindi aniya ito dapat ipagwalang bahala dahil dumarami ang mga nawawalang biktima.
Meanne Corvera