Mga insidente ng pagpatay sa ilang local politicians, posibleng may kaugnayan sa nalalapit na Eleksyon sa 2019 – Malakanyang
Pulitika ang nakikita ng Malakanyang na motibo sa nagaganap na pagpatay sa ilang local officials.
Ito ang paniniwala ni Presidential spokesman Harry Roque sa harap ng magkakasunod na pagpatay kina Tanauan City Mayor Antonio Halili, General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote at Trece Martires Vice Mayor Alex Lubigan.
Sinabi ni Roque na batay sa resulta ng inbestigasyon ng Philippine National Police o PNP, hindi magkakaugnay ang kaso nina Mayor Halili, Mayor Bote at Vice Mayor Lubigan.
Ayon kay Roque pananagutan ng estado resolbahin at bigyan ng hustisya ang mga biktima ng pagpatay.
Inihayag ni Roque puspusan na ang ginagawang inbestigasyon ng pnp at iba pang investigating agencies ng pamahalaan para matukoy kung sino ang nasa likod ng nagaganap na patayan sa bansa na ilan sa mga naging biktima ay mga local officials.
Ulat ni Vic Somintac