Mga insidente sa West PH Sea, tinalakay sa pakikipagpulong ni SFA Manalo sa US official
Bumisita sa bansa si US Under Secretary of State for Political Affairs Victoria Nuland.
Isa sa mga nakaharap ni Nuland si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), napag-usapan at nagpalitan ng pananaw ang dalawang opisyal ukol sa mga pinakahuling pangyayari sa West Philippine Sea/ South China Sea.
Ang pagpupulong ng dalawa ay oportunidad din para ma-preview ang mga plano sa 2+2 o Defense and Foreign Ministerial Meeting sa Abril kung saan ang US ang host.
Nagkasundo ang dalawang panig na palawigin ang saklaw ng 2+2 para isama ang food security, energy, cybersecurity, telecommunications, at supply chains
Ilan pa sa mga opisyal ng gobyerno na nakausap ni Nuland ay sina National Security Advisor Eduardo Año at House Speaker Martin Romualdez.
Moira Encina