Mga istranded na pasahero dahil sa bagyo halos 2 libo na
Dahil sa sama ng panahon dulot ng bagyong Jolina, aabot sa 1,946 pasahero, driver, at cargo helpers ang naistranded sa mga pantalan sa Eastern Visayas at Bicol Region.
Ayon sa Philippine Coast Guard, may 17 vessels; at 682 rolling cargoes rin ang stranded sa mga nasabing pantalan.
May 31 vessels at 36 motorbanca naman ang naka shelter bilang pag-iingat.
Samantala, sinabi ni PCG spokesperson Commodore Arman Balilo na bineberipika na nila ang ulat na may 12 mangingisda sa Sierra, Western Samar, 4 sa Motiong, Samar at 2 sa Catbalogan Samar ang nawawala sa kasagsagan ng sama ng panahon.
Tiniyak ng PCG ang 24 oras na monitoring para masiguro na walang magiging aksidente sa karagatan lalo na sa mga lugar na apektado ng sama ng panahon.
Madz Moratillo