Mga IT equipment contract ng DepEd pinaiimbestigahan sa Senado
Pinaiimbestigahan ni Senador Jinggoy Estrada sa Senado ang Computer procurement program ng Department of Education.
Nais malaman ni Estrada kung may mga kumpanyang napaboran sa ginagawa nitong paghahati sa mga kontrata nang bumili ng kanilang IT equipment.
Nauna nang nadiskubre ni Estrada na bukod sa P 2.4 billion na laptop contract, tila naging kalakaran na umano sa DepEd na may mga pinapaborang kumpanya sa pagbili ng kanilang laptop at iba pang IT equipment at hinahati ito sa ilang kumpanya na paglabag sa republic act 9184 o Government Procurement Reform law.
Ayon sa Senador ang mga kumpanyang Advance Solutions Inc., Columbia technologies, Reddot Imaging Philippines, Techguru inc at Girl teki inc. ang tanging nakakuha ng kontrata sa DepEd .
Bilyon bilyong piso aniya ang ibinigay na kontrata ng DepEd sa naturang mga kumpanya na halos lahat ay mga chinese made computer.
Wala rin aniyang website ang kumpanya at ang kanilang mga address ay hindi mahanap sa Metro manila.
Meanne Corvera