Mga itinuturing na pandemic heroes sa SJDM pinarangalan
Binigyan ng parangal sa isinagawang Tanglaw Bayani Award ang mga katuwang na bayani sa panahon ng pandemya, ng pamahalaang lungsod ng San Jose Del Monte sa lalawigan ng Bulacan.
Ginanap ito sa Activity Center sa San Jose Del Monte, at pinangunahan nina Mayor Arthur B. Robes at Congresswoman Florida P. Robes
Ang aktibidad na ito ay bilang pagkilalala sa mga nabanggit na katuwang na bayani ng pamahalaang lungsod, na dinaluhan ng mga kaanib sa Sangguniang Panlungsod, mga Punong Barangay, National Agencies, private sector, mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte, at ang bumubuo sa CSJDM Task Force – ERID.
Bahagi rin ito ng weeklong celebration ng kaarawan ng alkalde, at bilang pagpapakita ng maigting na suporta ni Congresswoman Robes sa mga bayaning frontliner, at bilang pagpapasalamat sa tunay na paglilingkod, sakripisyo at kabayanihan ng mga ito na patuloy na nakatindig sa unahan ng laban kontra COVID-19.
Bago isinagawa ang awarding, ay nagkaroon muna ng swab testing sa mga dadalo at naging mahigpit rin ang seguridad sa paligid.
Matapos ang swab testing ay saka pa lamag pinapasok sa activity Center ang mga dadalo. May mga nakatalaga ring disinfection booth at sanitation area, at bawat papasok ay kinukunan ng temperatura.
Sa isinagawang awarding ay nakatanggap din ng parangal sina Congresswoman Florida P. Robes at Mayor Arthur B. Robes.
Pinsalamatan naman ng kongresista ang lahat sa kanilang pagtulong sa pamahalaan ng San Jose Del Monte.
Ulat ni Cez Rodil