Mga kabataan sa Germany na lampas 12 anyos, babakunahan na rin
BERLIN, Germany (AFP) – Simula sa June 7 ng taong kasalukuyan, ay sisimulan na ng Germany na bakunahan ang mga lampas dose anyos.
Gayunman, binigyang diin ni German Chancellor Angela Merkel na ang pagbabakuna ay hindi compulsory at wala ring kinalaman sa kung ang mga bata ay maaaring pumasok sa paaralan o magbakasyon.
Inaasahan na aaprubahan ngayong Biyernes ng European Medicines Agency, ang Pfizer/BioNTech COVID-19 vaccines para sa 12-15 year olds.
Una na itong nabigyan ng awtorisasyon para ibakuna sa mga lampas 16 anyos.
Matapos makipag-usap sa regional leaders ng Germany, sinabi ni Merkel . . . ” Children and young people aged 12 and over will have the chance to book a vaccine appointment from June 7.”
Ang mga magnanais magpabakuna, ay maaaring mabigyan ng una sa dalawang doses ng bakuna sa pagtatapos ng Agosto, na halos makakasabayan ng panibagong school year.
Ayon kay Merkel . . . “The main message to parents is there will be no compulsory vaccinations. Schools would not require pupils to ne vaccinated. And it would be totally wrong to think you can only go on holiday with a vaccinated child.”
Ang pagbabakuna sa mga kabataan ay nakikita bilang pangunahing hakbang para magkaroon ng herd immunity sa laban kontra pandemya.
Una nang sinimulan ng Canada at America ang pagbabakuna sa mga lampas 12 anyos.
Nagpahayag naman ng reserbasyon ang mga eksperto, at tinukoy na ang mga kabataan ay bihira namang tamaan ng malubhang sakit, at ang suplay ng bakuna ay kakaunti.
Hinimok naman ni Merkel ang mga magulang na habaan ang pasensiya, sa pagsasabing hindi lahat ay agad na makakakuha ng appointment para sa kanilang anak.
@ Agence France Presse