Mga kabataang na nag-viral sa Social Media habang gumagamit ng Marijuana, sumuko na sa pulisya

Boluntaryong sumuko sa pulisya ang mga kabataang nag-viral sa Social Media kamakailan habang gumagamit ng marijuana.

Bukod sa paggamit ng marijuana , minura at tila hinamon pa ng mga kabataang ito si Pangulong Rodrigo Duterte habang sinasabing gawing ligal ang paggamit ng marijuana sa bansa.

Ang pitong kalalakihan ay pawang mga residente ng Barangay Tugatog sa Malabon.

Ang kanilang video ay kinunan pa noong 2016 at sa tulong ng mga kaanak ng mga ito ay natunton ang grupo na nagtatago sa Bulacan.

Pinangaralan at sinermunan ni National Capital Regional Police Office o NCRPO Chief Guillermo Eleazar ang mga nasabing kabataan dahil sa kanilang nagawa lalu na ang ginawang pambabastos ng mga ito sa Pangulo.

Humingi ng paumanhin ang mga nasabing kabataan sa Pangulo at iginiit nila na wala umano silan intensyon na bastusin ang Pangulo.

Tinutugis na ngayon ng mga pulis ang posibleng pinagkunan ng ginamit na marijuana ng mga nasabing kabataan at posible umanong sa Malabon lamang kinuha ng mga ito ang iligal na droga.

Samantala, nahaharap sa kasong Unjust Vexation ang mga nasabing kabataan dahil sa mga hindi magandang mga salitang binitawan ng mga ito sa Pangulo gayundin ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *