Mga kadete, kabilang sa 22 nasawi sa pagbagsak ng Ukraine military plane
Hindi bababa sa 22 katao ang nasawi kabilang na ang military caders, dalawa ang malubhang nasaktan at tatlong iba pa ang pinaghahanap, matapos bumagsak ang isang Ukrainian air force plane, malapit sa Kharviv sa silangang bahagi ng Ukraine.
Ayon sa pahayag ng sir force, karamihan sa mga namatay ay mga estudyante ng Kharviv National Air Force University.
Nabatid sa paunang impormasyon, na ang Antonov-26 transport plane na may lulang 22-katao, kung saan 20 rito ay mga kadete at pito ang crew, ay bumagsak habang nagsasagawa ng training flight, dalawang kilometro mula sa Chuhuiv military air base.
Ayon kay regional governor Oleksiy Kucher, ang mga nasaktan ay nasa kritikal na kondisyon.
Ang katawan ng eroplano ay nagliyab pagbagsak nito, subalit naapula naman ng mga bumbero ang apoy makalipas ang isang oras.
Sinabi ni Ukrainian president Volodymyr Zelensky, na isang kakila-kilabot na trahedya ang nangyari at sinabing bubuo sila ng isang komisyon para imbestigahan ang lahat ng maaaring naging sanhi ng insidente.
Samantala, sa ngalan ng European Union (EU), ay nagpaabot ng pakikiramay ang top diplomat nito na si Josep Borrell.
Agence France-Presse