Mga kaibigan, kamag-anak at katrabaho ni dating Senate President Nene Pimentel, patuloy ang pagdating sa kaniyang burol sa Heritage Park sa Taguig
Patuloy ang pagdating mga mga kaibigan, naging katrabaho at mga kamag- anak para magbigay ng huling pagpupugay kay dating Senate President Aquilino Pimentel Jr. ang labi ng dating Senador ay mamamalagi dito sa Heritage Park sa Taguig hanggang bukas Martes.
Sa Miyerkules dadalhin siya sa Senado para sa isang Necrological services idederecho ito sa Cagayan de Oro at sa Biyernes babalik sa Heritage park kung saan sa Sabado ng umaga ililibing.
Si Pimentel ay 17 taong naging Senador.
Siya ang tumayong Senate President noong panahong nililitis si dating Pangulong Joseph Estrada sa reklamong impeachment.
Pero nagbitiw ito sa puwesto dahil hindi nagustuhan ang desisyon noon ng mga kasamahang Senador na huwag buksan ang second envelope dahil isa aniya itong paglabag sa kaniyang prinsipyo na dapat maging transparent.
Ilang beses ring nakulong noon si Pimentel dahil sa pagbatikos sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos nang maupo si dating Pangulong Cory Aquino.
Si Pimentel ang naging local Chief Minister kung saan isinulong nya ang pagsasabatas ng Local Government code.
Ito ang batas na nagbibigay ng mas malawak na kapangyarihan sa mga LGUs para magkaroon ng kanilang sariling revenue sa ilalim ng Duterte administration.
Si Pimentel ang isa sa mga itinalaga para bumalangkas ng draft ng bagong Federal Constitution.
Ulat ni Meanne Corvera