Mga kakandidatong Senador ,hinikayat na unahin muna ang trabaho bago mangampanya

Hinimok ng liderato ng Senado ang mga mambabatas na gawin muna ang kanilang trabaho bago mangampanya para sa eleksyon sa susunod na taon.

Kapansin pansin na hindi na umaattend ng budget deliberations ng Senado ang ilang senador na kumakandidato.

Ito’y dahil abala na sila sa pag-iikot sa buong Pilipinas.

Ayon kay Senate president Vicente Sotto , malaking bagay na alam ng susunod na manunungkulan ang paglalaanan ng budget para alam nito ang paggagamitan nito sa 2022.

Apila ni Senador Panfilo Lacson na kandidato rin sa pagka – pangulo , dapat munang magsakripisyo ang mga kapwa Senador habang hindi pa naipapasa ang pambansang budget.

Bukod sa tambalan nina Lacson at Sotto , kapwa kandidato sa pagkapangulo sina Senador Christopher Bong Go at Manny Pacquaio habang Vice presidential candidate si Senador Francis Pangilinan.

Re- electionist o balik Senado sina Senate majority leader Juan Miguel Zubiri, Senador Risa Hontiveros, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, Richard Gordon at Senador Leila de lima habang tatakbong kongresista sa Batangas si Senador Ralph Recto.

Meanne Corvera

Please follow and like us: