Mga kandidato muling pinaalalahanan ng Comelec na baklasin na ang mga campaign materials na hindi nakasunod sa mga panuntunan ng poll body

Isang araw bago ang simula ng campaign period para sa mga kandidato sa pagka-senador at partylist groups.

Muling nanawagan ang Comelec na baklasin na ng mga ito ang kanilang mga posters at tarpaulin na hindi nakatugon sa mga mga panuntunan sa pangangampanya.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na partikular na rito ang nakasaad sa Comelec Resolution 10488 at RA 9006 ukol sa mga political advertisement.

Anya dapat ang sukat ng mga tarpaulin o poster ay two feet by three feet.

Nakalagay lamang anya dapat sa common poster areas ang mga campaign materials at hindi sa pampublikong lugar o private properties na walang permiso mula sa may-ari.

Ayon sa Comelec, mahaharap sa kaukulang parusa ang mga kandidato na  hindi susunod sa panuntunan ng poll body.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *