Mga kargamentong papasok sa Manila North Harbor papatawan na ng dagdag-buwis simula sa susunod na buwan
Papatawan ng dagdag na buwis ang mga kargamentong papasok sa Manila North Harbor simula sa susunod na buwan.
Ito ay matapos na aprubahan ng Philippine Ports Authority ang dagdag na 24 porsyentong buwis para sa cargo holding tariff.
Ayon sa Manila North Harbor Port Incorporated, ang pagtataas ay para matugunan ang mas mataas na gastusin sa operations cost.
Ipatutupad ang dagdag na buwis sa loob ng tatlong taon na tig-walong porsyento na sisimulan sa Hulyo hanggang sa 2019.
Please follow and like us: