Mga kaso ng Omicron subvariant,nadagdagan na naman
May dalawang kaso na ng Omicron subvariant na BA.5 ang natukoy dito sa bansa.
Ayon kay Health Usec Ma. Rosario Vergeire, ang mga ito ay mula sa Region 3 at nakatira sa isang bahay.
Kapwa naman na asymptomatic at tagged as recovered na sila.
Pero inaalam pa ng DOH kung paano nila nakuha ang virus.
Wala naman daw kasing exposure o travel history sa labas ng bansa ang dalawa.
Nakaranas daw ang dalawa ng sipon at ubo kaya agad silang nag-isolate at nagpa test.
Pareho rin silang fully vaccinated na at may booster shot narin kaya ayon kay Vergeire, mild lang ang naging epekto ng virus sa dalawa.
Patuloy naman ang contact tracing ng pamahalaan,pero sa dalawang kasama sa bahay ng BA.5 cases, isa ang nagpositibo sa COVID-19 habang negatibo naman ang isa.
Isasailalim naman sa genome sequencing ang sample ng nasabing close contact na na nagpositibo sa virus.
Ayon sa Infectious Disease Expert na si Dr. Edsel Salvaña, ang BA.5 at BA.4 at halos pareho lang ng behavior.
Ang dalawang subvariant na ito,ang sinasabing dahilan ng ika limang wave ng surge sa South Africa.
Samantala, pinawi naman ng DOH ang pangamba ng publiko sa napaulat na pagtaas ng kaso ng nosebleed fever o iyong crimean -congo hemorrhagic fever sa Iraq.
Ayon kay Salvaña, maliit ang risk na makapasok ito sa bansa.
Madelyn Villar – Moratillo