Mga kaso ni Sen. De Lima, ira-raffle ngayong araw sa Muntinlupa RTC
Ngayong araw ira-rafle kung sinong hukom ang hahawak sa kasong illegal drug trading na isinampa ng DOJ laban kay Senadora Leila de Lima sa Muntinlupa Regional Trial Court.
Ayon sa office of the clerk court ng Muntinlupa RTC, tuwing Lunes ang schedule ng raffle ng mga kaso
Sinabi naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na maaring agad mag-isyu ng warrant of arrest laban kay de Lima at sa iba pang respondents ang hukom na hahawak ng kaso.
Samantala ilan pa sa mga kinasuhan din ng DOJ sa korte ng parehong paglabag ay sina dating BUCOR Director Franklin Bucayu, dating karelasyon at bodyguard ni De Lima na si Ronnie Dayan, high profile inmate na si Jaybee Sebastian, dating BUCOR OIC Rafael Ragos, Wilfredo Eli, Joenel Sanchez at Jad De Vera.
Kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act o kaugnay sa pagbebenta at distribusyon ng iligal na droga ang isinampa kay de Lima.
Ulat ni : Moira Encina