Mga katiwalian sa ilang ahensya ng gobyerno, isiniwalat ni Senador Pacquiao
Inisa-isa ni Senador Manny Pacquiao ag detalye ngmga sinsabi niyang katiwalian sa mga ahensya ng gobyerno.
Sa kaniyang press conference kahapon bago siya lumipad patungong Estados Unidos, ibinunyag ni Pacquiao ang nawawalang 10 bilyong piso para sa Social Amelioration program ngayong Pandemya sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa natanggap aniyang niyang impomasyon, nag-dpwnload ng 50 billion ang DSWD sa isang hindi kilalang e-wallet na Starypay para sa ayuda ng nasa 1.8 milyong mahihirap na mamamayan.
Pero sa 1.8 milyong benepisyaryo, 500,000 katao lang aniya ang nakapag-withdraw ng ayuda.
May hawak na aniya silang testigo at ebidensiya pero tumanggi muna siyang isapubliko.
Ayon sa Senador, maghahain aniya siya ng resolusyon sa Lunes para maimbestigahan ito ng Blue Ribbon Committee ng Senado.
Maliban sa DSWD, may nadiskubre rin aniya siyang katiwalian sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Energy (DOE) at Department of Health (DOH).
Kabilang na rito ang pagbili ng mga gamot ng DOH na malapit nang mag-expire.
May mga opisyales rin umano ng gobyerno na nagkamal ng bilyun- bilyong piso sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP) na siyang binigyan ng kapangyarihan ng DOE bilang Independent Electricity Market Operator.
Giit ni Pacquiao, walang dapat ikagalit sa kaniya si Pangulong Rodrigo Duterte dahil itnutulungan pa nga niyang ilantad ang katiwalian.
Nakalulungkot aniya na nagamit ang Pandemya para mapagsamantalahan ang mga mahihirap.
Sen. Pacquiao:
“Wag po kayong magagalit sa akin Mr. President dahil tumutulong lamang ako sa nais niyo na sugpuin ang korapsyon dahil ako ay naniniwala na ang korapsyon ang pangunahing dahilan ng ating kahirapan”.
Meanne Corvera