Mga katutubo at taga-mining industry, nilusob ang punong tanggapan ng DENR
Nilusob ng halos 2,000 manggagawa mula sa ibat ibang mining company at mga katutubo ang punong tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources sa Quezon City.
Pinangunahan ng mga tribe leader mula sa Mindanao, mga estudyante at ilan pang grupo na mula sa Central at Northern Luzon ang kilos protesta para tutulan ang appointment ni Sec. Gina Lopez sa DENR ganundin ang pagpapasara ng mga mining company.
Ayon sa mga nagrally malaki ang pakinabang nila sa mining operation dahil dito nanggaling ang ginastos nila sa pagpapatayo ng ospital, eskwelahan at libreng pagpapaaral sa kanilang mga anak.
Dahil din sa mining industry nagkaroon sila ng hanap-buhay.
Niliwanag din ng grupo na hindi nila sinusuportahan ang irresponsibleng pagmimina at mga minahan na sumisira sa kapaligiran.
Dapat anilang mahigpit na ipatupad ng DENR ang batas ukol sa pangangalaga ng kapaligiran.
Ulat ni: Gen Subardiaga