Mga kawani ng Korte Suprema, plano umanong mag-rally para ipanawagan ang pagbibitiw ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno
Nagbabalak umano ang ilang empleyado ng Korte Suprema na maglunsad ng kilos-protesta ipanawagan ang pagbaba sa puwesto ni Chief Justice Maria Lourdes Seremo.
Batay ito mismo sa mga kawani ng Supreme court na tumangging magpabanggit ng pangalan.
Anila nadadamay ang mga opisyal ng SC na karamihan ay nanunungkulan na ng 15 hanggang 20 taon nang dahil sa mga kwestiyonableng utos mula sa office of the Chief Justice.
Ayon sa kanila, ang katapatan nila ay nasa institusyon.
Umaasa sila na magbitiw na lamang sa posisyon si Sereno para hindi na makaladkad ang buong sangay ng Hudikatura.
Samantala, nakatanggap na rin ng imbitasyon mula sa kamara ang ilang mga senior official sa Korte Suprema na nagtuturuan na raw dahil sa napalagpas na iregularidad kasama na ang pagbili sa Land Cruiser ni Sereno.
Ang mga senior official ng SC ay ipinatawag din sa Kamara para magbigay linaw sa pagkuha ng Korte Suprema ng information technology consultant na tumanggap ng 250,000 piso na buwanang kompensasyon, at ang paggamit mg Presidential Villa sa Shangri-La Boracay para sa 2015 ASEAN Conference na ginastusan ng 1.9 milyong piso pero hindi dumaan sa proseso ng bidding.
Ulat ni Moira Encina
=== end ===