Mga kawani ng Tarlac City Hall sumailalim sa mandatory nasal swab testing
Sinimulan na ang mandatory nasal swab testing sa lahat ng mga kawani ng City Hall sa Tarlac City. na ginanap sa Kaisa Convention Center
Ayon kay City Mayor Cristy Angeles, ito’y bilang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan ng mga empleyado ng City Hall at sa mga mamamayang may transaksyon sa nasabing lugar.
Araw araw kasi ay maraming nagtutungong mga tao sa lugar upang mag asikaso ng ibat-ibang uri ng mga dokumento na kanilang kailangan tulad ng business permit, birth certificate, mga nagpapanotaryo at iba pang katulad nito.
Ito ang dahilan kung bakit isinagawa ang mandatory nasal swab test sa mga empleyado, dahil hindi rin maiiwasan na maaaring may mahawa sa mga ito.
Ang isinagawang libreng testing ay isa lamang sa mga hakbang ng Pamahalaang Lungsod upang mapigilan ang pagdami ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa Lungsod.
Patuloy din na isinasagawa ang regular disinfection sa ibat-ibang mga lugar tulad ng mga tanggapan sa Tarlac City, pribado man o public offices at sa mga barangay.
Sinusunod din ang preventive measures tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, pagdaan sa temperature gun at hand wash station sa mga nagtutungo sa City Hall.
Ulat ni Rizza Castro