Mga kompanya ng langis, magpapatupad ng oil price rollback ngayong linggo

Photo courtesy of pna.gov.ph

Magpapatupad ng oil price rollback ang mga kompanya ng langis, simula bukas ng umaga

Sa magkakahiwalay na advisories, sinabi ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil, at Shell na magpapatupad sila ng uno diyes na kabawasan sa kada litro ng gasolina, habang sisenta sentimos naman sa diesel products.

Babawasan din ng Caltex, Seaoil, at Shell ng singkwenta sentimos kada litro ang kanilang kerosene.

Ito na ang ika-apat na linggo na nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng price rollback sa gasolina, habang ika-limang linggo na sa diesel at kerosene products.

Ang pagbabawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyo sa pandaigdigang pamilihan.

Ang Mean of Platts Singapore (MOPS) gasoline ay bumaba ng 3.60 US dollars kada bariles, habang ang diesel ay bumaba naman ng 3.75 US dollars kada bariles sa panahon ng trading days mula November 15-19.

Ayon sa oil monitor ng Department of Energy . . . “Crude oil prices came under pressure on rising coronavirus cases amid easing supply tightness. Rising coronavirus cases in Europe, that is prompting some of the countries to reintroduce lockdowns, and China zero-Covid policy amidst rising cases in the country have raised some concerns on the demand outlook. Mobility indicators for major oil consumer(s) declined in (the) first week of November.”

Please follow and like us: