Mga Kongresista, posibleng humihirit ng karagdagang Pork Barrel kaya hinohostage ang budget
Posibleng humihingi umano ng mas malaking proyekto o pork barrel ang mga Kongresista kaya hinohostage ang panukalang Pambansang Budget.
Ito ang reaksyon ni Senador Panfilo Ping” Lacson sa desisyon ng mga Kongresista na itigil muna ang pagtala”kay sa 2019 proposed National Budget hanggat hindi umano binabago ng Department of Budget and Management o DBM ang kanilang budget proposal.
Sa kasalukuyan kasing panukala, cash based budgeting ang nais ng DBM para maiwasan ang under spending at matiyak na naipatutupad ang mga proyekto ng gobyerno.
Pero ayon kay Lacson, sa ganitong sistema, mas maliit ang makukuhang proyekto o priority development assistance fund ng mga Kongresista.
Babala ni Lacson, kung patuloy na maantala ang pagtalakay sa budget maaaring hindi na ito mapagtibay ng Kongreso kaya inaasahan ang re-enacted budget sa susunod na taon.
Napapanahon na rin aniyang manghimasok na ang Pangulo at pagsabihan ang kaniyang mga kaalyado sa Kamara.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: