Mga kontra sa suspension order ng Malakanyang kay over-all deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang, hinamon ng Malakanyang na tumakbo sa Korte Suprema
Hinamon ng Malakanyang ang sinumang kontra sa suspension order na ipinataw ng Office of the Executive Secretary kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang na tumakbo na lamang sa Korte Suprema.
Sinabi ni Presidential Legal Chief Salvador Panelo na bagamat mayroong 2014 Supreme Court decision na inaalis ang kapangyarihan ng Office of the President sa disciplinary jurisdiction sa Deputy Ombudsman maituturing na may gray area dahil sa botohang 8-7.
Ayon kay Panelo anumang desisyon ng gobyerno ay mayroong presumption of regularity maliban na lamang kung mayroong malinaw na desisyon ang hukuman.
Inihayag ni Panelo, naninindigan ang Malakanyang na ligal ang suspension order kay Carandang.
Sagot ito ng Malakanyang sa pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na hindi niya ipapatupad ang suspension order kay Carandang dahil ito ay unconstitutional batay sa desisyon ng Korte Suprema noong 2017.
Ulat ni Vic Somintac
=== end ===