Mga kontrabando nakumpiska sa Bureau of Immigration detention facility

Ginalugad ng mga opisyal ng Bureau of Immigration ang Warden Facility nito sa Taguig City matapos makatanggap ng mga intelligence report na nakakalusot ang mga kontrabando sa kulungan.

Kabilang sa mga nakumpiska ng BI Intelligence Division ay mga mobile phones and accessories, portable air condition units, portable wifi, sharp and pointed tools, kutsilyo, steel tubes, gunting, laptops, DVD players, deck of cards, at lighters.

Nagbabala si Immigration Commissioner Jaime Morente sa mga detainees na masusundan pa ito ng mas maraming raid.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng BI kung paano nakalusot ang mga prohibited items sa detention facility.

Sinabi ni Morente na naging maluwag ang mga nakaraang administrasyon sa mga detainees sa paggamit  ng mga gadgets sa loob ng pasilidad dahil sa hindi naman ito regular na kulungan kundi detention facility sa mga ipapadeport.

Tiniyak ng opisyal na mas maghihigpit sila para di na makalusot ang mga kontrabando.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *