Mga kontraktor na pasaway sa Build, Build, Build program ng pamahalaan, iniimbestigahan na – DPWH

Tiniyak ni Public Works Secretary Mark Villar na pananagutin nila ang nasa 43 contractors na dahilan ng pagkakaantala ng mga infrastructure projects sa ilalim ng “Build, Build, Build” program.

Sa economic press briefing sa Malacañang, sinabi ni Secretary Villar, umusad na ang imbestigasyon sa kanilang natanggap na reklamo laban sa mga nasabing contractors.

Ayon kay Villar, pine-pressure na nila ang mga nasabing contractors na ayusin ang mga pagkukulang kung ayaw masuspinde o mailagay sa “blacklist.”

Kaugnay nito, mariing itinanggi ni Villar ang alegasyong bumalik ang “tongpats” o suhulan sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Hinamon ni Sec. Villar ang mga nang-aakusa na maglabas ng ebidensya at pangalanan ang mga nalalamang tumatanggap ng suhol sa DPWH para maaksyunan.

Magugunitang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na nababagalan siya sa takbo ng mga infrastructure projects ng administrasyon sa ilalim ng build build build program.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *