Mga Kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka sa Tanuan city, Batangas lumahok sa dalawang araw na training
Anim na kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka sa Tanauan City, Batangas ang sumailalim sa dalawang araw na training tungkol sa Good Manufacturing Practices o GMP.
Ito ay pinangasiwaan ng Department of Science and Technology o DOST-Batangas, sa pakikipag partner sa lokal na pamahalaan ng Batangas sa pamamagitan ng tanggapan ng agrikultura sa nabanggit na lalawigan.
Ayon kay Mr. Sherwin Rimas, City Agriculturist, layunin ng pagsasanay na matulungan ang mga kooperatiba at asosasyon sa pagpapaunlad ng kanilang produktong pang agrikultura at malaman nila ang tamang proseso ng pagkuha ng license to operate mula sa Food and Drugs Administration o FDA upang magkaroon sila ng magandang merkado.
Samantala, kabilang sa mga dumalo sa nasabing training ay ang cooperatives and farmers’ associations Tanauan City Rural Improvement, Club Agriculture Cooperative, Tanauan Organic and Natural Farming Association, Magsasakang Tanaueño Agriculture Marketing Cooperative, Tanauan City Fishermen
Marketing Cooperative, Tanauan City Cacao Growers Association, Tanauan City
Mushroom Growers Association, at Laurel 4Ps Farmers Workers Association.
Nagsilbing unang hakbang ng pagsasanay ng City Agriculture’s Office sa pagtulong sa mga kooperatiba
at asosasyon ng mga magsasaka sa pag-upgrade ng kanilang mga pasilidad sa produksyon upang makatiyak ng food safety.
Belle Surara