Mga korte sa bansa, pinayagan ng SC na magsagawa ng fully-remote videoconferencing hearings
Maaari nang magsagawa ng fully- remote videoconferencing hearings ang lahat ng first at second -level courts sa bansa.
Sa sirkular na inisyu ng Office of the Court Administrator (OCA), sinabi na inaprubahan ito ni Chief Justice Alexander Gesmundo saanman ang lokasyon ng hukuman at anuman ang umiiral na community quarantine sa lugar.
Layon nito na maiwasan ang pagkaantala ng paglilitis ng mga kaso.
Ito ay kasunod na rin ng kahilingan ng ilang hukom at court personnel.
Ayon sa OCA, ang pag-otorisa sa fully-remote videoconferencing hearings ay bilang pagkonsindera sa kalusugan ng mga hukom at court employees at users bunsod ng pagtaas pa rin ng kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa bansa.
Moira Encina