Mga kumukuwestiyon sa Martial Law sa Mindanao inupakan ng Malakanyang

Courtesy of Wikipedia.org

Kinastigo ng Malakanyang ang mga kumukuwestiyon sa Martial Law na idineklara ni Pangulong Duterte sa Mindanao.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na tila nalilimutan ng mga kontra sa Martial Law na ang problema ng rebelyon sa Mindanao ay nagsimula sa mga nakalipas na administrasyon.

Ayon kay Panelo hindi maaaring sa Marawi City lamang ang Martial Law dahil sa lawak ng koneksyon ng Maute group sa mga local politicians.

Inihayag ni Panelo kung hinarap ng mga nakalipas na administrasyon ang problema ng rebelyon sa Mindanao hindi na sana umabot sa puntong isailalim ang buong rehiyon sa batas militar.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *