Mga labi ng painter na si Bree Jonson, isinailalim sa autopsy ng NBI
Kinumpirma ng NBI na nagsagawa ito ng hiwalay na otopsiya sa mga labi ng painter na si Bree Jonson.
Si Jonson ay namatay sa isang resort sa La Union noong Setyembre 18.
Batay sa unang otopsiya ng pulisya, si Jonson ay namatay dahil sa asphyxia
Ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin, isinailalim ng kawanihan sa otopsiya ang mga labi ng artist nitong Huwebes ng umaga kasunod ng kahilingan ng pamilya nito.
Una nang ipinagutos ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa NBI na magsagawa ng parallel investigation sa pagkamatay ni Jonson.
Sinabi ni Lavin na nagpadala ang NBI ng mga tauhan nito sa La Union para magsagawa ng crime scene investigation.
Hihingi rin aniya ang NBI ng mga karagdagang ebidensya mula sa PNP dahil ang mga ito ang unang responder sa insidente.
Si Jonson ay huling nakitang kasama ni Julian Ongpin na anak ng negosyanteng si Roberto Ongpin.
Ipinagharap ng reklamong possession of illegal drugs si Ongpin ng pulisya matapos na may makitang cocaine sa kwarto na tinutuluyan ng dalawa.
Ayon kay Ongpin, nagpatiwakal si Jonson.
Pero, duda ang pamilya ng painter na namatay ito dahil sa suicide o kaya ay drug overdose dahil na rin sa mga sugat at kalmot sa braso ni Ongpin.
Moira Encina