Mga laboratoryo na may kakayahang sumuri ng monkeypox virus pararamihin ng DOH
Pinag-aaralan na ng Department of Health ang pagpaparami ng mga laboratoryo na may kakayahang sumuri ng monkeypox virus.
Ayon kay DOH officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire, sa ngayon ay ang Research Institute for Tropical Medicine o RITM pa lang ang nagtetest ng mga pinaghihinalaang kaso ng monkeypox.
Isanlibong sample aniya ang kayang iproseso ng RITM kada araw.
Ayon kay Vergeire, kung dadami ang mga kaso ng monkeypox sa bansa tinitingnan din nila kung puwedeng immobilize ang mga sub national laboratories na ginagamit ngayon sa pagsuri sa COVID- 19 samples.
Nilinaw naman ni Vergeire na hindi lahat ng may lagnat ay itetest na sa monkeypox.
Ang sinusuri muna aniya ay ang mga nagkaroon ng lagnat at may skin lesion.
Sa ngayon, nananatiling isa pa rin aniya ang kaso ng monkeypox sa bansa.
Madelyn Villar-Moratillo