Mga LGU, isinusulong na mabigyan ng awtoridad para direktang makabili ng bakuna sa panahon ng Pandemya
Isinusulong ni House Speaker Lord Allan Velasco na mapabilis ang pagbili ng mga lokal na pamahalaan ng COVID-19 vaccines sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng awtoridad para direktang makabili ng bakuna mula sa manufacturers na hindi na kailangang dumaan sa mahabang proseso ng Public Bidding.
Ang House Bill 8648 o Emergency Vaccine Procurement Act of 2021 ni Velasco ay suportado rin nina Majority Leader Martin Romualdez and Minority Leader Joseph Stephen Paduano na lumagda bilang co-authors ng panukala.
Sa ilalim ng panukala, binibigyan ng exemption ang mga LGU sa procurement requirements na hinihingi ng Republic Act 9184 o ang Government Procurement Reform Act para sa pagbili ng COVID-19 vaccines at iba pang kailangang suplay sa panahon ng Pandemya.
Sa ilalim pa ng panukala ang isang LGU ay maaaring magbayad ng advance para sa pagbili ng bakuna sa isang foreign manufacturers basta hindi ito lalagpas sa 50% ng halaga ng kontrata.
Nakasaad rin sa panukala ang paglalaan ng identification fund para sa mga for the adverse events matapos ang pagbabakuna.
Nilinaw naman sa panukala na ang bibilhing bakuna ay para sa mga nasasakupan ng isang partikular na LGU lamang at hindi for Commercial use.
Giit ni Velasco sa laban sa COVID-19 ay mahalaga ang bawat oras at mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga LGU sa pagligtas sa buhay ng publiko at maging ng ekonomiya.
Madz Moratillo