Mga LGU malapit sa Mt. Pinatubo, Taal at Mayon, inalerto dahil sa posibleng pagdaloy ng lahar sanhi ng bagyong Rolly

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibleng pagdaloy ng lahar mula sa Mount Pinatubo, Taal at Mayon sanhi ng malalakas na ulang dulot ng Super Typhoon Rolly.

Ayon sa Phivolcs, magdudulot ng panganib sa mga downstream communities ang posibleng lahat flow sa Missi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matan-ag, at Basud Channels sa Albay Province.

Ang Pinatubo lahar flow naman ay maaaring maganap sa upper at middle communities ng Sto. Tomas-Marella at Bucao river system at makaapekto rin sa mga kalapit na bayan ng San Marcelino, San Narciso, San Felipe at Botolan sa lalawigan ng Zambales.

Habang ang muddy streamflow sa paligid ng Taal Volcano ay maaaring mangyari sa West slopes ng Taal lake o makaapekto sa mga komunidad ng Agoncillo at Lurel sa Batangas.

Inaabisuhan ang mga lokal na pamahalaan na patuloy na magmonitor sa kundisyon ng panahon at maghanda sa pre-emptive response measures para sa kanilang kaligtasan.

============

Please follow and like us: