Mga LGU’s isasailalim sa evaluation kung kayang mag-handle ng mga bakunang may specialized storage
Magsasagawa ng evaluation ang National Vaccination Operations Center sa mga local na pamahalaan na una nang nabigyan ng suplay ng bakunang Sputnik V ng Russia.
Ang mga Local Government Units o LGU’s ay dapat may kakayanan na mag imbak ng specialized vaccine storage requirement tulad ng Sputnik V, Pfizer at Moderna.
Sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na kapag lumabas sa evaluation na maayos at maganda ang paraan ng pag handle ng mga LGU’S sa mga specialized vaccine maaari silang bigyan ng dagdag na alokasyon kapag dumating na ang mas maraming suplay ng bakuna laban sa COVID 19.
Ayon kay Galvez ilan sa mga LGU’S ay namuhunan at bumili pa ng ultra cold chain storage facility.
Inihayag ni Galvez para makasiguro na walang masasayang sa mga bakunang nangangailangan ng special cold storeage facility kumontrata ang pamahalaan ng third party tulad ng Zuellig Pharma para mangasiwa sa storage ng mga sensitibong anti COVID 19 vaccine.
Naniniwala si Galvez na magiging kumpiyansa ang mga vaccine manufacturers tulad ng Pfizer at Moderna na kayang i handle ng bansa ang kanilang bakuna kaya mai engganyo ang mga ito mag deliver pa ng mas maraming supply.
Tiniyak ni Galvez na ang mga doktor at local health officers ay dumaan sa training para pangasiwaan ang tamang storage sa mga bakuna upang hindi maantala ang rollout ng mass vaccination laban sa pandemya ng COVID 19 sa bansa.
Vic Somintac