Mga LGU’s, pinaalalahanan na ipatupad ang batas sa pagtatayo ng mga rainwater harvesting system dahil sa epekto ng El Niño at krisis sa tubig
Hinimok ni Senador Sonny Angara ang mga lokal na opisyal na ipatupad ang batas na nag-aatas sa bawat baranggay na magtayo ng kani-kaniyang Rainwater Harvesting system.
Ang Rainwater harvesting system ang isa sa nakikitang solusyon ng Senado sa problema sa kakapusan ng suplay ng tubig habang hinihintay na matapos ang konstruskyon ng mga dam.
Sinabi ni Angara, chairman ng Senate Committee on Local Government na batay sa Republic Act 6716 o Rainwater Collector and Springs Development Act of 1999, lahat ng barangay kailangang magtayo ng pasilidad para ipunin ang mga tubig ulan.
Tatlumpung taon na aniya ang batas pero marami pa ring mga siyudad ang walang ganitong pasilidad na layong pigilan ang mga pagbaha at magkaroon ng sapat na suplay ng tubig tuwing tagtuyot.
Noong 2012 naglabas na aniya ng Memorandum ang Department of Interior and Local Government (DILG) para sa lahat ng LGU’s para sa pagtatayo ng rainwater collectors bilang paghahanda sa epekto ng climate change gaya ng El Niño.
Hindi na aniya bago ang ganitong sistema dahil ginagawa naman ito sa mga bansang India, Malaysia, Thailand at Singapore.
Ulat ni Meanne Corvera