Mga libro para sa Kindergarten hanggang Grade 3 sa wikang Magindanawn, ibinigay ng US sa BARMM
Aabot sa Php10 milyong halaga ng early grade reading materials na nakasulat sa wikang Magindanawn ang natanggap ng BARMM mula sa US government.
Sinabi ng US Embassy na 100,000 bata mula Kindergarten hanggang Grade 3 at mahigit 2,000 guro sa rehiyon ang makikinabang sa mga libro sa Magindanawn language.
Ang mga libro ay tinanggap ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) mula sa USAID sa isang virtual handover ceremony.
Nakalaan ang mga ito para sa mga lalawigan ng Maguindanao, Cotabato City, at special geographic areas sa Cotabato.
Ayon sa embahada, ia-upload ang digital versions ng reading materials sa online portal ng Department of Education(DepEd) para lahat ng batang Magindanaon sa iba’t ibang panig ng bansa ay mabasa ang mga ito.
Kabilang sa suporta ng USAID ay ang training ng 40 local Bangsamoro writers, illustrators, editors, at evaluators sa pagbuo ng early grade reading materials; pag-develop at pamamahagi ng 77 libro sa Magindanawn; at pagsalin ng 45 titulo sa nasabing wika.
Sa pamamagitan ng ABC+: Advancing Basic Education in the Philippines project, nakapag-distribute ang USAID ng lagpas sa 9 milyong early grade reading materials.
Moira Encina