Mga lider ng Senado, ipinatawag ni Pangulong Duterte sa Malacañang para talakayin ang isyu ng pambansang budget

Ipinatawag na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang mga lider ng Senado para talakayin ang gusot sa panukalang 3.7 trillion 2019 National Budget.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto, tinawagan siya ni Executive Secretary Salvador Medialdea para iparating ang imbitasyon ng Pangulo.

Kasama aniya sa ipinatatawag ng Pangulo sa Bahay Pangarap sina Senate Finance committee chairman Loren Legarda, Senate Pro- Tempore Ralph Recto, Majority leader Juan Miguel Zubiri at Senador Panfilo Lacson.

Kasama rin sa inimbitahan  si Yolanda Dublon ang Director-General ng Legislative Budget Research and Monitoring office.

Ire-report aniya nila sa Pangulo ang resulta ng kanilang ginawang pagrepaso sa panukalang budget na isinumite ng Kamara kahapon.

Hindi matiyak ni Sotto kung kasama sa inimbitahan ng Malacañang sina House Speaker Gloria Arroyo at Appropriations Committee chairman Rolando Andaya.

Una nang nanindigan si Sotto na hindi lalagdaan ang enrolled bill ng budget dahil sa umano’y ginawang hokus pokus ng Kamara kahit pa naratipikahan na ito ng dalawang kapulungan.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *