Mga Local Disaster Risk Reduction Management Office inatasan ng Malakanyang na tutukan ang sitwasyon ng mga pagbaha sa kanilang nasasakupan
Naglabas ng direktiba ang Malakanyang sa mga Local Disaster Risk Reduction Management Office na imonitor ang mga pagbaha sa kanilang nasasakupan.
Ginawa ng Palasyo ang babala mula sa tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Ibinatay ng Malakanyang ang kautusan sa mga Local Risk Reduction Management Office mula sa rekomendasyon ng PAGASA at National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC.
Ayon sa satellite at radar monitoring ng PAGASA nagkakaroon ng malakas na pag-ulan sa Metro Manila at karatig lalawigan dahil sa Habagat na pinalala ng presensiya ng Bagyong Gorio sa Philippine Area of Responsibility.
Ulat ni: Vic Somintac