Mga local testing sites sa kauna-unahang digitalized bar exams, gagawaran ng historical marker ng SC
Inumpisahan na ng Korte Suprema ang paggawad ng historical marker sa mga unibersidad at iba pang institusyon na naging local testing sites sa kauna-unahang localized at digitalized bar examinations sa bansa.
Ayon kay Supreme Court Associate Justice at Bar Chair Marvic Leonen, pupuntahan niya kasama si Chief Justice Alexander Gesmundo ang mga local testing centers na pinagsagawaan ng 2020/2021 Bar Exams para sa awarding ng historical marker.
Aabot sa 29 ang local testing sites mula sa 22 LGUs ang nakatuwang ng SC sa makasaysayang computerized at regionalized bar exams.
Una nang binisita at ginawaran ng SC ng historical marker ang St. Louis University sa Baguio City.
Sa NCR, nagsilbing local testing centers ang UST, De La Salle, at FEU sa Maynila.
Moira Encina