Mga lugar na naka-granular lockdown, bumaba sa 319 – DILG
Nasa 319 na lugar na lamang sa buong bansa ang nasa ilalim ng granular lockdown dahil sa sitwasyon ng Covid-19.
Ito ang ipinahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa Talk to the People briefing kagabi.
Ayon sa kalihim, halos kalahati ang ibinaba nito mula sa 605 noon lamang nakalipas na linggo.
Nasa halos 500 indibidwal naman ang apektado ng lockdown.
Naniniwala si Ano na bababa pa ang bilang na ito dahil sa lumalakas na vaccination drive ng bansa.
Nananatiling ang Cordillera Administrative Region (CAR) ang may pinakamataas na bilang ng mga lugar na nasa granular lockdown na 176 areas.
Sinundan ito ng Ilocos region na 97 areas; NCR-22; Cagayan Valley-19, MIMAR0PA-4; at Zamboanga Peninsula-1.