Mga lugar na pasok sa election watchlist ng PNP umakyat na sa mahigit 700
Kasabay ng pagsisimula ng campaign period ngayong araw, nadagdagan pa ang mga lugar na itinuturing na election hotspot ng Philippine National Police
Sa pinakahuling validation na isinagawa ng PNP, 701 na syudad at munisipalidad sa buong bansa ang nasa election watchlist of areas.
223 ang nasa yellow category, 382 ang nasa orange category habang 94 ang nasa red category o ang areas of grave concern.
Pinakarami rito ang nasa ARMM na may 27 lugar na sinundan ng Bicol Region na may 19, tig 17 sa Calabarzon at Western Mindanao.
Pasok din sa areas of grave concern ang tig 6 na bayan sa MIMAROPA at Western Visayas, 5 sa Northern Mindanao, tig 4 Socsargen at Cordillera, 3 sa Eastern Visayas, tig dalawa sa Central Luzon at Davao Region habang may tig isa naman sa Caraga at Cagayan Valley Region.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, nadagdagan ang bilang ng mga lugar na nasa grave concern dahil sa mga mga parameter mula sa Comelec kabilang ang presensya ng intense political.rivalry, threat ng npa at iba pang threat groups at insidente ng election related violence.
Dahil dito, magkakaroon daw ng adjustment sa deployment ng kanilang mga tauhan partikular ba sa mga lugar na nasa grave concern.
Ulat ni Mar Gabriel