Mga lumabag sa No Contact Apprehension Program sa Maynila mahigit 50,000 na
Umabot na sa humigit kumulang 55,000 ang bilang ng mga lumabag sa No Contact Apprehension Program sa Maynila mula ng ilunsad ang programa noong Disyembre ng nakaraang taon.
Sa ilalim ng programa na ito, walang traffic enforcers na maninita sa pasaway na motorista bilang pag-iingat dahil sa COVID-19.
Sa halip may nakakalat na high-definition cameras sa Maynila na syang magmomonitor ng mga lumalabag sa mga batas trapiko.
Kabilang naman sa karaniwang paglabag ay obstruction gaya ng pagparada sa mga No Parking Zones o Pedestrian Lane, Beating the Red light at iba pa.
Ang multa ay mula P1,000 hanggang P5,000, depende sa ilang beses o bigat ng paglabag. Para makita ng isang motorista kung may offense na sila, maaari itong i-check sa website na nocontact.manilacity.ph
Madz Moratillo