Mga mababakunahan kontra COVID-19 , isang taong imomonitor ng DOH
Nilinaw ng Department of Health na isasailalim sa isang taong monitoring ang lahat ng indibidwal na mabibigyan ng COVID-19 vaccines.
Paliwanag ni Health Undersec. Maria Vergeire ang bakuna na ito ay under development o patuloy parin ang mga ginagawang pag aaral kaya mahalaga ang monitoring.
Sa panahong ito aniya ay nais nilang makita kung ano ang mga posibleng maging epekto ng bakuna sa tinurukan nito.
Dito rin aniya posibleng makita kung hanggang kailan ang immunity na maaaring ibigay ng bakuna.
Una rito sinabi narin ng DOH na kahit naturukan na ng bakuna kontra COVID-19, wala paring kasiguruhan na hindi na mahahawa sa virus.
Ang pangako lamang aniya ng bakuna kahit mahawa ng virus ay mas less ang chance na magkaroon ng malalang COVID-19 o maospital o masawi dahil rito.
Madz Moratillo