Mga mag-ra-rally sa anibersaryo ng Martial Law, hindi hahadlangan ng Malakanyang
Bibigyan ng kalayaan ng Malakanyang ang iba’t-ibang grupo na magsasagawa ng malakihang kilos protesta sa paggunita sa ika-46 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa bansa.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na ipatutupad ng pamahalaan ang maximum tolerance sa mga raliyista.
Ayon kay Roque malinaw ang patakaran ni Pangulong Duterte na hindi hinahadlangan ang karapatan ng bawat mamamayan sa malayang pamahayag ng paniniwala at saloobin basta hindi lumalabag sa batas.
Iinihayag ni Roque na handa ang estado na harapin at supilin ang anumang banta ng distabilisasyon o tangkang pagpapatalsik sa Gobyerno.
Mmagugunitang ibinulgar mismo ni Pangulong Duterte na batay sa kanyang natanggap na intelligence report na mayroon umanong sabwatan ang mga grupong makakaliwa at oposisyon para ibagsak ang gobyerno at ang pagsasakatuparan ay sa anibersaryo ng martial law sa September 21.
Ulat ni Vic Somintac