Mga magbababoy sa QC na napaektuhan ng ASF, pinagkalooban ng bagong Agri Business
Namahagi ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) at Quezon city Government ng Aquaculture system at mga fingerlings sa mga may 600 residente ng Barangay Bagong Silangan na naapektuhan ng African Swine fever.
Sinabi ni Mayor Joy Belmonte na tugon nila ito sa mga nawalan ng hanapbuhay matapos mamatay ang kanilang mga lagang baboy dahil sa ASF.
Ikinonvert ng BFAR sa palaisdaan ang mga dating pigpen at nilagyan ng mga fingerlings ng hito at tilapia.
Sasaguton aniya ng lokal na pamahalaan ang gastos sa pagpapakain ng mga isda hanggang sa pagbebenta nito sa mga palengke habang nagsisimula pa lamang sa bagong negosyo ang mga residente.
Sinabi ni BFAR Undersecretary Natividad Caballero, sa may 10,000 fingerlings na inilagay sa mga palaisdaan, maaaring maka-harvest ng 100 kilo sa susunod na dalawang hanggang tatlong buwan.
Samantala, maliban sa Barangay Bagong Silangan, sinabi ni Belmonte na ganito rin ang gagawin sa iba pang Barangay na dating nag-aalaga ng baboy kabilang na ang Payatas.
Naglabas aniya kasi ng Memorandum Order ang City Council na tuluyang nagbabawal sa pag-aalaga ng baboy sa mga Urban areas batay sa utos ng Housing and Urban Development Cordinating Council (HUDCC).
Meanne Corvera