Mga magdi-discriminate sa mga Covid 19 patients at mga healthcare workers sa San Juan city, pagmumultahin at ipakukulong
Posibleng makulong ang sinuman na mag-discriminate o harass sa mga Covid 19 patient, suspect at probable case, health workers at iba pang frontliners sa San Juan city.
Batay sa City Ordinance 26 series of 2020, mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng diskriminasyon at harassment sa mga taong may Covid 19, sa mga hinihinalang kaso, healthcare workers at frontliners sa lungsod.
Sa ilalim ng ordinansa, pagmumultahin nang hindi bababa sa 5,000 piso o kaya ay ikukulong nang hindi lalampas sa anim na buwan ang mga lalabag.
Maaari din na magkasamang kulong at multa ang ipataw depende sa pasya ng hukuman lalo na kung may kasamang pisikal na pananakit ang diskriminasyon.
Ulat ni Moira Encina