Mga magpapabakuna para sa 2nd booster ng COVID-19 vaccine inaasahang mas tataas pa
Umaasa ang Department of Health na sisigla na ngayon ang bakunahan para sa 2nd boster ng COVID -19 vaccine.
Ito ay matapos na payagan na rin ang pagtuturok ng 2nd booster para sa Health workers at Senior citizens.
Aminado si Health Usec Myrna Cabotaje Chairperson ng National Vaccination Center na naging matumal ang bakunahan ng 2nd booster para sa immuno compromised.
Sa kabuuan nasa 30,912 immunocompromised palang ang nabakunahan ng pangalawang Booster kung saan pinakamarami rito ay mula sa NCR.
Kabilang sa bakuna na pwede sa 2nd booster ay Moderna at Pfizer.
Apat na buwan naman dapat ang interval mula sa unang pagpapaturok ng 1st booster.
Madelyn Villar -Moratillo