Mga magpapatupad ng face-to-face classes, pinulong ng DepEd
Bilang suporta sa pilot implementation ng limited face-to-face (F2F) classes, nagsagawa ang Department of Education (DepEd) ng orientation sa 100 identified school implementers at kanilang mga pinuno sa pagtuturo sa teaching-learning component.
Sa pamamagitan ng birtuwal na plataporma na inorganisa ng Bureau of Learning Delivery (BLD), higit 485 CLMD at CID heads, education program supervisors, school heads at mga guro sa Grade 1-3 at SHS TVL, ang nagtipon-tipon upang pag-aralan ang operational dynamics at interplay sa pagitan ng distance learning at F2F classes.
Nagbigay ang BLD specialists ng learning sessions sa Designing Learning Progress Checklist (LPC), Implementing Considerations for Inclusivity, Developing the Weekly Home Learning Plan, at Understanding the Blended Learning Process, bilang kritikal na aspeto na ikokonsidera sa pinagsamang in-school at off-school approaches.
Bawat sesyon ay agad na sinundan ng malayang talakayan, upang mailahad ang mga katanungan at linawin ang mga alalahanin sa proseso ng teaching-learning na kasama sa karanasan ng blended learning.
Pagkatapos ay nagkaroon ng workshop sa pagbuo ng LPC bilang pangunahing assessment tool, na mahalaga para sa learner’s performance gayundin sa mga targeted learning competencies para sa 2nd quarter.
Samantala, upang makamit ang saysay ng progreso ng pagkatuto, sinabi ni Diosdado San Antonio, pangalawang kalihim sa Curriculum and Instruction . . . “We have to ensure that learners are on-task and that every moment we spend with them is productive. We have to be patient and considerate of our learners because their well-being is as important as the efforts we exert to foster their cognitive development.”
Binigyan-diin naman ni BLD Director Leila Areola na naka-angkla sa shared responsibility ang pangunahing prinsipyo ng pilot implementation ng F2F classes, habang itinatampok ang kahalagahan ng sama-samang pagtutulungan upang maisiguro ang kaligtasan ng bawat mag-aaral, at sumusunod sa mahigpit na panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan.
Aniya . . . “Conducting the limited F2F classes is as important as looking at it with the same perspective to make ourselves as co-owners of this endeavor to ensure that learning happens.”
Nakatakdang ilabas ang memorandum ng mga inaasahang gawain para sa teaching-learning component ng pilot implementation ng limited F2F classes, sa mga rehiyon na may pilot school implementers.