Mga magsasaka, apektado na ng smuggling ng agricultural products
Umaaray na ang asosasyon ng mga magsasaka sa matinding smuggling ng agricultural products.
Sa pagdinig ng Senate committee of the whole, inireklamo ng League of association at the La trinidad vegetable trading areas ang pagpasok sa Batangas, Cebu at Pangasinan ng mga imported na gulay.
Dahil sa pagpasok ng mga imported na gulay, bumagsak na ang presyo ng mga upland vegetables tulad ng carrots sa 12 hanggang 24 pesos sa wholesale price kada kilo.
Dagsa rin anila ang pumapasok na imported na strawberry na idinideklara bilang mga ornamental plants para maiwasan ang pagbabayad ng buwis.
Bukod sa gulay, talamak rin ang imported na karneng baboy Pero idinedeklara itong mga debone meat at debone fats para makaiwas sa pagbabayad ng malaking buwis.
Sinabi ni Nicanor Briones ng agap, Aabot umano sa apat na bilyong piso ang nawawalang kita sa gobyerno taon taon dahil sa smuggling ng baboy.
Kung susumahin aniya mula 2018 hanggang ngayong taon, umaabot na sa 16 billion pesos ang nawalang kita sa pamahalaan dahil sa misdeclaration sa mga pork products pa lamang.
Ang problema ayon kay briones sa kabila ng mga operasyon ng Customs at Department of agriculture, walang napapanagot at nakakasuhan.
Meanne Corvera