Mga magsasaka na apektado ng Bagyong Rolly, maaring ng makakuha ng crop insurance benefits
Hinimok ni Senator Francis Pangilinan ang may dalawampung libong mga magsasaka na apektado ng Bagyong Rolly na mag avail ng insurance crop benefits.
Ayon sa senador may nakalaang pondo ang Department of Agriculture para sa mga apektado ng kalamidad kung saan ang mga magsasaka ay maaring manghiram ng 25 libong piso nang walang babayarang interes sa loob ng sampung taon.
Bukod dito, naglaan aniya ang Philippine Crop Insurance Corporation ng isang bilyong pisong pondo para sa mga nasirang pananim kung saan ang mga magsasaka ay maaring makakuha ng 10 hanggang 15 thousand pesos depende sa laki ng kanilang lupaing sinasaka.
Nauna nang sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na sa Bagyong Rolly pa lamang aabot na sa mahigit 1.1billion ang nawasak na mga pananim hindi pa kasama rito ang mahigit dalawang bilyong pisong high value crops gaya ng mais at palay na winasak ng Bagyong Quinta.
Meanne Corvera