Mga magsasaka nagpapasaklolo kay sen imee marcos dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng palay
Nagpapasaklolo na kay Senador imee Marcos ang mga magsasaka dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng kanilang inaaning palay.
Katunayan ayon sa Senador, ang mga basang palay na dating na ibebenta ng kinse pesos, ibinibenta na lang ito sa dose pesos na mas mababa pa sa kanilang average production costs.
Katunayan, sa mga natanggap niyang report, pinakamababa na aniyang farmgate price ngayon ng palay ay sampung piso kada kilo sa Bicol region at Capiz habang nasa P11 hanggang P13 pesos naman sa iba pang mga probinsya.
Nagrereklamo rin ang mga magsasaka sa hindi patas na pagpapatupad ng batas na nagbabawal magpatuyo ng palay sa mga pampublikong kalsada, gayong ginagawa ito ng mga rice trader na may aprubado umano ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan.
Apila ni Marcos sa Department of Agriculture, magbigay ng mas maraming drying machines at magtalaga ng mga storage facilities para hindi masayang ang kanilang mga aning palay.
Meanne Corvera