Mga magsasakang apektado na ng El Niño, pinabibigyan ng ayuda
Inirekomenda ni Senador Sonny Angara ang agarang tulong para sa mga magsasakang apektado ng matinding tagtuyot.
Sinabi ni Angara, chairman ng Senate Committee on Local Government na marami nang magsasaka sa mga lalawigan ang umaaray dahil sa epekto ng El Niño.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa mahigit 2.6 bilyong piso ang pinsala ng El Niño.
Ayon sa Senador, habang wala sapat na patubig, maaring magbigay ang gobyerno ng tulong pinansyal, pagkain o kaya’y pangkabuhayan para matustusan ang pangangailangan ng mga magsasaka.
Paalala ng mambabatas, hindi na kailangang hintayin ng gobyerno na maulit ang nangyari sa Kidapawan city noong 2016 kung saan ilang magsasaka ang namatay at marami ang nasugatan matapos magprotesta dahil sa kawalan ng aksyon ng gobyerno sa kanilang mga hinaing.
Ulat ni Meanne Corvera